2 sundalo, 1 sibilyan sugatan sa pamamaril sa Cotabato City

Arianne Apatan, ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2018 02:04 PM

COTABATO CITY - Dalawang sundalo at isang sibilyan ang sugatan nang barilin ng mga di pa kilalang salarin dito sa lungsod, Biyernes.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nakasakay sa motorsiklo sina Private First Class Michael Haudar at Private First Class Nerwin Delfin nang pagbabarilin sila sa isang bahagi ng Sinsuat Avenue, bandang alas-8 ng umaga.

Dinikitan umano ng 2 salarin na lulan ng motorsiklo ang motorsiklong sinasakyan ng mga biktima at saka nagpaputok ng baril.

Kritikal ang isa sa mga sundalo habang stable na ang kondisyon ng kasama nito, sabi ng mga awtoridad.

Tinamaan din ng bala si Saadudin Maong na nakatayo sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaril at ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.