Mga miyembro ng 'Sigue Sigue Sputnik' arestado sa Tondo

ABS-CBN News

Posted at Dec 27 2019 05:14 AM | Updated as of Dec 27 2019 06:58 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

TONDO - Arestado ang tatlong miyembro ng Sigue Sigue Sputnik Gang na notoryus umano sa panghoholdap at pagnanakaw sa Tondo, Maynila.

Inaresto sina Domingo Manzon at Ricardo Fernandez na nakuhanan ng mga pakete ng hinihinalang marijuana.

Tinanggi ng mga suspek na sa kanila ang mga nakuhang dalawang .45 caliber at isang .38 na baril.

Ayon kay Police Maj. Bryan Andulan ng CIDG, isang buwan nilang isinailalim sa surveillance ang grupo na magkakapitbahay sa Tondo.

Sangkot naman si Sonny Liwanag sa panghahablot ng cellphone nitong Disyembre 15.

“Nagawa ko lang po ‘yun dahil wala po talagang pambili ng pamasko mga anak ko. Isang beses lang po,” ani Liwanag.

Sasampahan ng kasong illegal possession of firearms and ammunition at dadagdagan naman ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act si Fernandez. -Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.