Babae timbog sa pagawaan ng pekeng dokumento sa Recto

ABS-CBN News

Posted at Dec 27 2019 06:06 PM | Updated as of Dec 27 2019 08:05 PM

Sari-saring pekeng dokumento ang nasamsam ng pulisya sa ginawa nilang raid sa Recto, Maynila. Screengrab 


MAYNILA — Arestado ng mga pulis sa Maynila ang isang babae na umano'y dawit sa paggawa ng mga pekeng dokumento sa Recto. 

Sinalakay ng pulisya ang mga eskinita ng tinaguriang "Recto University" kung saan talamak ang pagawaan ng mga pekeng dokumento tulad ng birth certificate, government IDs, at diploma. 

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa isang looban, huli sa akto ang isang babae na nag-iimprenta pa ng transcript of records ng isang estudyanteng kostumer.

Nababahala ang mga pulis dahil tila ayaw paawat ng mga kawatan lalo't nito lamang buwan din ay nilusob nila ang lugar kung saan higit 40 ang hinuli. 

"Puwede kasi 'yan gamitin sa carnapping at iba pang krimen," ani Police Lt. Col. Rey Magdaluyo, hepe ng Sta. Cruz, Manila police. 


—Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.