Bilang ng mga nasugatan sa paputok bago magbagong taon, 19 na

ABS-CBN News

Posted at Dec 26 2019 08:12 PM

MAYNILA—Umakyat na sa 19 ang bilang ng mga nasugatan sa paputok, 6 na araw bago sumapit ang 2020.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes, nadagdagan ng 9 na sugatan ang naunang listahan na may sampung biktima.

Nanguna sa listahan ang Metro Manila, na mayroon ng apat. Sinundan ito ng Ilocos at Calabarzon na mayroon tigatlo.

Tigalawa naman ang Cagayan Valley at Central Visayas, habang may tig-isang biktima ang Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Davao Region at Socsksargen.

Boga ang may pinakamaraming nabiktima na umabot sa apat, habang lusis naman ang panagalawang may pinakamataas na naitalang biktima na may tatlo.

Nitong Sabado, Disyembre 21, inumpisahan ng DOH ang pag-monitor ng mga firecracker-related injuries. — Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.