#WalangTubig: Ilang lugar sa Parañaque, QC sa Disyembre 26-28

ABS-CBN News

Posted at Dec 26 2018 03:37 PM

Pansamantalang mawawalan ng tubig ang ilang lugar sa Parañaque simula ngayong Miyerkoles (Disyembre 26), at Quezon City simula Huwebes (Disyembre 27), sabi ng Maynilad.

Ayon sa abiso ng Maynilad, magkakaroon ng pagkaantala sa serbisyo ng tubig dahil sa isasagawang maintenance activity o pagsasaayos ng mga linya ng tubig.

Mawawalan ng tubig ang ilang bahagi ng Barangay BF Homes sa Parañaque simula alas-8 ng gabi ng Miyerkoles hanggang alas-6 ng umaga ng Huwebes, ayon sa abiso.

Makararanas naman daw ng pagkaantala sa serbisyo ng tubig ang Barangay San Agustin at Barangay Nagkaisang Nayon sa Quezon City simula alas-9 ng gabi ng Huwebes hanggang alas-5 ng umaga ng Biyernes (Disyembre 28).

Dahil dito, inabisuhan ng Maynilad ang mga kostumer na mag-imbak ng tubig bilang paghahanda.

--Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.