32 bahay, sinira ng malalaking alon sa GenSan

Jay Dayupay, ABS-CBN News

Posted at Dec 26 2018 10:58 AM

GENERAL SANTOS CITY - Lumikas ang ilang residente sa 3 purok dito sa lungsod matapos sirain ng malalaking alon ang kanilang mga bahay, Martes, araw ng Pasko.

Walong bahay ang totally damaged at 24 na bahay naman ang partially damaged sa Purok San Roque, San Vicente at San Juan, batay sa report ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council.

Epekto ng low pressure area at high tide ang paglaki ng mga alon sa Sarangani Bay, ani Dante Ariola, senior weather observer.

"Kailangan muna nilang umalis dahil delikado na talaga ito dito, dange rzone na talaga ito dito," ani Kagawad Isabelita Santiago, chairman ng social services committee ng Brgy. Dadiangas West.

Sa ngayon, naghahanda na ng financial assistance ang barangay at pinag-aaralan pa kung maisasama ang mga apektadong residente sa listahan ng mga maililipat sa relocation site ng lokal na pamahalaan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.