Pulis namaril sa lamay sa Caloocan, 7 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Dec 25 2018 08:34 AM | Updated as of Jul 15 2019 12:20 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA - Pitong tao ang sugatan matapos mamaril ang isang pulis sa isang lamay sa lungsod ng Caloocan, Lunes, bisperas ng Pasko.

Ayon sa mga testigo, isang pulis umano ang napikon at uminit ang ulo habang nakikipagsugal sa isang lamay sa Barangay 28.

Sumuko agad sa mga awtoridad ang suspek na si PO1 Danilo Tiempo ng Navotas Police, ani National Capital Region Police Office Chief Director Guillermo Eleazar.

Ayon kay Tiempo, nagpaputok siya ng 2 baril dahil sinugod umano ng grupo ng adik ang kaniyang tatay kaya gumanti siya.

Isinugod sa ospital ang mga tinamaan ng bala, kabilang ang ilang menor de edad at lahat sila ay nasa maayos na kondisyon na, sabi ni Eleazar.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

Maaaring maharap sa kasong frustrated homicide ang suspek.

- ulat mula kay Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.