P2.6-M ‘shabu’ nasabat sa Malabon, 1 arestado

Jeff Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Dec 24 2019 07:31 PM

MANILA - Mahigit P2.6 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng Navotas Police sa isinagawang sa isang operasyon sa Malabon.

Arestado ang suspek na si alyas John Rey, na sangkot din umano sa isang kaso ng tangkang pagpatay kahapon. 

Nakuha sa suspek ang 387 gramo ng shabu, na may street value na mahigit P2.6 milyon, at dalawang cal 45 baril.

Inihahanda na ang patong patong na kaso laban sa suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.