4-taong gulang na bata, nasugatan sa paputok

ABS-CBN News

Posted at Dec 23 2019 12:53 AM

MAYNILA - Tatlong araw bago mag-Pasko, isang menor de edad at isang lalaki ang napasama sa fireworks-related injuries ng Department of Health (DOH).

Nagtamo ng burn injuries ang isang apat na taong gulang na batang babae mula sa Cagayan Valley at isang 23 anyos na lalaki mula sa NCR.

Kwitis ang sanhi ng injury ng isa, habang hindi pa tukoy ang isa pang fireworks na sanhi ng injury.

Ayon sa DOH, mas mababa ng 67 percent ang bilang ng fireworks-related injuries ngayong taon kumpara noong nakaraang taon.

Upang maiwasan ang disgrasya, hinikayat ng DOH ang publikong huwag nang gumamit ng paputok at makilahok na lang sa mga community fireworks display, makisaya sa mga street party o gumamit ng torotot, busina at iba pa upang pampaingay.

Taong 2017 nang lagdaan ni Pangulong RodrigoDuterte ang Executive Order No. 28 na naglilimita sa paggamit ng firecrackers sa bansa sa community fireworks display na aprubado ng lokal na pamahalaan.

–Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.