Search and rescue ops sa lumubog na bangka sa Leyte itinigil dahil sa sama ng panahon

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Dec 20 2018 05:05 PM

Pansamantala munang itinigil ng mga rescuer ang paghahanap sa tatlong pasaherong nawawala sa lumubog na bangka sa karagatan sa lalawigan ng Leyte.

Ayon sa pinakahuling ulat mula sa Philippine Coast Guard Eastern Visayas, itinigil muna ang paghahanap sa mga nawawalang pasahero dahil sa sama ng panahon.

Martes ng gabi nang lumubog ang isang bangka sa karagatan na sakop ng mga bayan ng Leyte at Capoocan.

Mula sa Barangay Balaquid sa bayan ng Cabucgayan sa Biliran ang bangka at papunta sa Capoocan nang lumubog sa karagatan.

Lima sa walong pasahero ng bangka ang nailigtas.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.