Mga dadalo sa reunion, naaksidente sa Bukidnon

PJ dela Peña, ABS-CBN News

Posted at Dec 20 2018 06:54 PM

Nagtulong-tulong ang mga residente at rescuer para madala sa ospital ang sugatang pasahero ng tumagilid na Elf Truck sa Bukidnon. Tinatayang nasa 70-katao ang sakay ng truck na papunta sana sa isang reunion sa Misamis Oriental. Larawan mula kay Klent Joshua

SUMILAO, Bukidnon – Isang Elf truck na may sakay na tinatayang nasa 70-katao ang naaksidente matapos mawalan ng preno sa Sitio Langga, San Vicente, Huwebes ng umaga.

Nagtulong-tulong ang rescuers at concerned citizens para agad na madala sa ospital sa Malaybalay ang mga sugatang pasahero ng truck.

Tumulong na rin ang mga kalapit na rescuers mula sa kabilang munisipyo dahil sa dami ng mga pasaherong kailangang dalhin sa ospital.

Ayon kay Senior Inspector Dennis Cerilla, nawalan umano ng preno ang truck at tumagilid sa palikong bahagi ng highway.

Mula Impasugong, Bukidnon, papunta sanang El Salvador City sa Misamis Oriental ang mga ito para sa isang reunion.

Karamihan sa sakay ng truck ay mga bata, babae, at matatanda.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.