Floating belen at makulay na dekorasyon, tampok sa Pampanga

Gracie Rutao, ABS-CBN News

Posted at Dec 20 2018 01:25 PM

Atraksiyon ngayon ang floating belen sa San Fernando River sa Pampanga. Gracie Rutao, ABS-CBN News


SAN FERNANDO CITY, Pampanga – Dinarayo ngayon ang mga makukulay na dekorasyon sa tinaguriang Christmas capital of the Philippines and Asia.

May kakaibang tanawin na makikita mula sa Baluyot Bridge kung saan tampok ang floating belen sa San Fernando River. 

Gawa sa polyvynil plastic at metal wires ang life-size characters ng belen na nakatuntong sa kawayan.

Naging instant attraction naman ang capitol compound na nagliwanag dahil sa iba’t-ibang dekorasyong pampasko.

Saktong pang-selfie din ang giant parol na naka-display sa Heroes Park na pinupuntahan ng marami.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.