Tindero timbog sa droga sa Cubao

ABS-CBN News

Posted at Dec 19 2019 03:53 AM

QUEZON CITY—Arestado ang isang 22 anyos na tindero matapos kumagat sa buy-bust operation nitong Huwebes sa Cubao, Quezon City. 

Batay sa paunang ulat ng Quezon City Police District Station 7, ang suspek ay residente mula sa Barangay Tatalon tumawid lamang sa Barangay Socorro upang magbenta ng ilegal na droga

Nabilhan ng P500 ng hinihinalang shabu ang suspek. Nakumpiska din sa kanya ang walong sachet ng hinihinalang shabu.

Mahaharap ang suspek kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.—Ulat ni Lyza Aquino, ABS CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.