Ilang pasahero nawawala sa pagtaob ng bangka sa dagat sa Leyte

ABS-CBN News

Posted at Dec 19 2018 03:45 PM

Ilang pasahero ang patuloy na pinaghahanap matapos tumaob ang isang bangka sa dagat sa lalawigan ng Leyte noong gabi ng Martes.

Nasa tatlong pasahero, kabilang ang isang 24 anyos na lalaki at dalawang bata, ang nawawala habang lima ang nakaligtas sa pagtaob na nangyari bandang alas-6 ng gabi.

Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard-Eastern Visayas, galing sa bayan ng Cabucgayan, Biliran ang bangka at patungo sana ng Capoocan, Leyte nang tumaob dahil sa malakas na alon.

Kabilang sa mga kalahok sa search and rescue operation ang mga disaster risk reduction officer mula sa mga bayan ng Capoocan, Leyte at Carigara, Leyte.

--Ulat ni Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.