3 lalaki arestado sa buy-bust operation sa QC

ABS-CBN News

Posted at Dec 18 2019 06:17 AM

MAYNILA—Arestado ang 3 lalaki matapos mahulihan ng ilegal na droga sa Barangay San Antonio, Quezon City.

Batay sa paunang ulat ng Masambong Police Station, pawang mga walang trabaho ang mga bagong tukoy na drug personalities.

Pumunta sa nasabing lugar ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Station 2 matapos makatanggap ng tawag mula sa isang residente hinggil sa umano'y ilegal na ginagawa ng mga suspek.

Nang rumesponde ay naabutan umano ng mga pulis ang mga suspek habang may hawak na mga sachet ng ilegal na droga na nagkakahalagang P13,000.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.