2 patay sa magkahiwalay na pamamaril sa Tondo

ABS-CBN News

Posted at Dec 18 2019 06:20 AM

MAYNILA—Patay ang isang lalaki at isang babae matapos barilin sa magkahiwalay na insidente sa Tondo, Maynila.

Unang napatay ang barangay tanod ng Barangay 105 na si Michael Alleja na binaril sa Roxas St. malapit sa Capulong St. sa Tondo. 

Hindi pa nakikila ang gunman na nakasuot ng puting t-shirt at shorts.

Patay din ang babaeng si Maydel Magcanlas na binaril naman sa kanto ng Herbosa St. at Juan Luna St.

Hindi pa rin kilala ang gunman na nakasakay sa isang motorsiklo.

Inaalam pa kung konektado ang 2 kaso.—Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.