Mga biyahero ngayong Pasko, dagsa na sa pantalan

ABS-CBN News

Posted at Dec 18 2018 05:14 AM

MAYNILA - Patuloy ang pagdagsa sa mga pantalan ng mga pasaherong bibiyahe para sa nalalapit na Pasko.

Sa tala ng Philippine Coast Guard, umabot na sa halos 72,000 ang bilang ng mga pasahero nitong Lunes.

Pinakamarami sa Western Visayas na may mahigit 15,000, partikular na ang Iloilo at Aklan.

Pumangalawa naman ang Southern Tagalog na may mahigit 8,200 pasahero kabilang na sa mga pantalan ng Batangas, Southern Quezon, at Romblon.

Ang Davao Region ay may mahigit 4,500 na pasahero bagama't mas kaunti ito kumpara sa mga nakaraang araw.

Nasa mahigit 7,000 naman ang bumabiyahe palabas ng Northern Mindanao tulad ng Surigao Del Norte, Misamis Oriental, at Misamis Occidental.

Wala pa namang naitatalang untoward incident sa mga pantalan dahil na rin sa mahigpit na seguridad. - ulat ni Ron Lopez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.