2 patay, 30 sugatan sa pag-araro ng truck sa Cavite

Zhander Cayabyab at Jeck Batallones, ABS-CBN News

Posted at Dec 17 2019 09:34 AM | Updated as of Dec 17 2019 06:56 PM

Kuha ni RB Ongpauco Balinado

MAYNILA (UPDATE) - Dalawa ang patay at 30 ang nasugatan nang araruhin ng isang truck ang hindi bababa sa 9 na sasakyan sa Mendez, Cavite nitong umaga ng Martes.

Nawalan ng preno ang 16-wheeler truck na magde-deliver sana ng buhangin galing Pampanga, ayon sa pulisya.

Watch more in iWant or TFC.tv

Dahil palusong ang kalye at mabigat ang kargada, mabilis umanong bumulusok ang truck at bumangga sa mga sasakyan.

Halos 2 kilometro ang inabot ng pagbulusok ng truck bago tuluyang tumigil, ayon kay Jeffrey Almanzor II, disaster risk reduction and management office mula sa Mendez.

Kasama sa 30 sugatan ang driver ng truck.

Nakikipag-ugnayan na ang may-ari ng truck sa mga naging biktima ng insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.