Boracay binaha dahil kay 'Urduja'

ABS-CBN News

Posted at Dec 17 2017 10:11 PM

Baha sa Boracay. Larawan mula kay Vail Baylon

MAYNILA - Binaha ang ilang bayan sa isla ng Panay ngayong araw ng Linggo dahil sa malalakas na pag-ulang dulot ng tropical depression "Urduja."

Kabilang na sa mga binaha dahil sa malakas pa ring ulan ang mga mabababang lugar sa Capiz, Antique at Aklan. Kahit ang ilang kalye sa isla ng Boracay, binaha na rin dahil kay "Urduja." 

Baha sa Boracay. Larawan mula kay Vail Baylon

Higit 100 pamilya na ang pinalikas sa Aklan, halos 300 naman sa Capiz, at nasa 170 naman ang pinalikas sa islang barangay ng Concepcion sa Iloilo.

Inaasahang ngayong gabi ay dadaan sa Aklan ang bagyo na patuloy pang magbubuhos ng ulan. Nakataas sa naturang lalawigan ang tropical cyclone warning signal no. 1.

Gayundin, nakataas ang signal no. 1 sa Antique, Capiz, katimugang bahagi ng Mindoro Oriental at Occidental, at maging sa Romblon at sa Palawan, ayon sa PAGASA.

-- mga ulat mula kina Jenel Baclay at Joyce Clavecillas, ABS-CBN News