SLEX patrolman patay sa pamamaril

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Dec 16 2019 12:17 PM

MAYNILA - Natagpuang patay ang isang patrolman ng South Luzon Expressway sa floodway ng SLEX sa Calamba, Laguna nitong Lunes.

May tama ng bala sa ulo ang biktimang si El Marcelo Danoso, 58-anyos na patrolman ng SLEX Manila Toll Expressway Systems, ayon kay Staff Sgt. Ernesto Reyes ng Calamba Police.

Nakauniporme ang biktima nang matagpuan ng pulisya. Papasok sana ito kagabi pero hindi nakapag-report sa trabaho. 

Ayon sa pulisya, may personal na kaalitan ang biktima at pinagbantaan daw ang buhay nito. 

Tinutugis ng mga awtoridad ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.