Lolo huli sa panggagahasa sa kapitbahay na teenager

ABS-CBN News

Posted at Dec 16 2019 04:38 PM

Arestado ang isang 61 anyos na lalaki dahil sa umano ay panggagahasa sa kaniyang 14 anyos na kapitbahay na babae.

Sa kaniyang tirahan sa Pandacan, Maynila hinuli ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang suspek na si Manuel Aquino.

Sa pag-aresto, naabutan din ng mga pulis sa bahay ni Aquino ang biktimang dalagita.

Ikinasa ang pag-aresto matapos magsumbong sa MPD ang ina ng biktima.

Sa pag-iimbestiga ng mga awtoridad, 2 taon nang inaabuso ng suspek ang biktima.

Kinasuhan ng rape at child abuse si Aquino habang dadaan naman sa counseling ng Department of Social Welfare and Development ang biktima.

-- Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.