Mga Rohingya, dapat bang bumalik sa Myanmar?

Mike Navallo, ABS-CBN News

Posted at Dec 16 2017 12:10 AM

Sa Bangladesh nakahanap ng ligtas na matutuluyan ang mga Rohingya na lumikas mula Myanmar.

Pero pansamantala lang ito dahil hindi rin naman kasi mayamang bansa ang Bangladesh. 

Kaya ang pagdagsa ng higit 600,000 Rohingya, isang malaking pasanin para sa gobyerno.

Repatriation o ang pagbabalik sa mga Rohingya sa Myanmar ang nakikitang solusyon sa krisis. 

Nitong Nobyembre, nagkasundo na ang gobyerno ng Myanmar at Bangladesh na ayusin ang pagbabalik ng mga Rohingya sa Myanmar sa susunod na tatlong buwan.

Pero hindi lahat sang-ayon dito.

Para sa United Nations High Commissioner on Refugees (UNCHR), dapat kusang-loob ang pagbabalik ng mga Rohingya at hindi pa ngayon ang tamang panahon. 

"At present, we can say the conditions in Myanmar's Rakhine state are not in place to enable safe and sustainable returns. Most have little or nothing to go back to. Their homes and villages have been destroyed. There are deep divisions between communities that remain unaddressed and humanitarian access is inadequate," ani UNCHR Deputy High Commissioner Kelly Clements noong Disyembre 8.

Pero sa kabila ng hindi tiyak na kinabukasan doon, mas gugustuhin pa rin ng mga Rohingya na sina Hosni Ara, Mahmuda Khathu, Sabekhun Nahar, Dil Mohammed, at Sayad Ahmed na bumalik sa Myanmar.

"We want to go back to Myanmar to our own country. We can't give our children here proper education. We want our own land, we want to go back there, we also want peace there," ani Ara.

"If they ensure our life security, if they say you are safe, ensure our citizenship, we will go back. But if they attack us, what will happen to us?" giit naman ni Khathu.

"We want to get our rights, all rights, basic rights. All rights as citizens...Myanmar is my native land...We want to go back our homeland. But I want to know terms of MOU (memorandum of understanding) signed," ayon naman kay Mohammed.

Si Lieutenant Colonel Monzurul Hassan Khan na naging instrumento sa pagkakaligtas ng ilang mga Rohingya, hangad din ang maayos na kalagayan nila.

Border o bakod lang ang tinawid ng mga Rohingya.

Isang hakbang sa kaligtasan at isang hakbang din lang pabalik sa kamatayan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.