#WalangPasok: Lunes, Disyembre 16 dahil sa Mindanao quake

ABS-CBN News

Posted at Dec 15 2019 04:26 PM | Updated as of Dec 15 2019 09:53 PM

MAYNILA -- (UPDATE 2) Kanselado ang pasok sa ilang lugar sa Lunes, Disyembre 16 kasunod ng pagtama ngayong Linggo ng magnitude 6.9 na lindol sa sa Davao del Sur, na naramdaman sa ibang bahagi ng Mindanao.

Kabilang sa mga lugar na nag-anunsiyo ng suspensiyon ng klase ang mga sumusunod:

ALL LEVELS

  • Davao del Sur
  • Davao City
  • General Santos City
  • Tacurong City
  • Tupi, South Cotabato
  • Koronadal City
  • Mlang, Cotabato