Pagdaan sa bagong bukas na bahagi ng TPLEX, libre ngayong Pasko

ABS-CBN News

Posted at Dec 15 2019 02:51 PM

BAGUIO CITY -- Libre ang pagdaan sa bagong bukas na Sison, Pangasinan-Rosario, La Union section ng TPLEX simula Linggo hanggang Enero.

Test run o "soft opening" lamang ito ng San Miguel Corporation, ayon kay Mark Dumol, pinuno ng proyekto.

“This will be open temporarily free as a Christmas present of San Miguel. But it's not yet completely finished," aniya.

Hindi muna papayagan na dumaan dito ang mga loaded trucks, dagdag niya.

Inaasahang makumpleto ang bahaging ito ng TPLEX sa Pebrero.

“How much time will you save? Anything basta mga 10 minutes to hour ang mase-save mo," ani Dumol.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.