TINGNAN: Christmas train ng LRT-1, Paskong Pinoy ang tema

ABS-CBN News

Posted at Dec 15 2017 11:15 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

May bagong Christmas train ang LRT-1 na kinagigiliwan ng marami dahil Paskong Pinoy ang tema nito.

Sa unang tingin, aakalaing pangkaraniwan lang ang tren pero sasalubong sa mga pasahero ang iba't ibang dekorasyong pampasko pagpasok sa loob.

Sentro ng atraksiyon na may temang Paskong Pinoy ang belen, simbang gabi, parol, at ang salo-salo.

Ayon kay Melody Del Rosario ng Metro Pacific Investments Corporation na namamahala sa LRT-1, layunin nilang ipaalala sa mga pasahero ang kahalagahan ng pagsisimba at pagdarasal.

“Naging materialistic minsan ang Pasko natin, naisip namin dahil sa nakasakay na rin sa tren, might as well remind the people or the passengers na bisitahin ang kanilang mga mahal sa buhay na hindi pa nila nakikita, magsimba,” ani Del Rosario.

Bukod sa dekorasyon, mamimigay rin ang LRT ng mga candy at beep card bilang pamasko sa mga pasahero.

Tatakbo ang tren ng 20 beses sa isang araw hanggang sa ika-5 ng Enero.

-- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.