Traffic enforcer na rumeresponde, patay matapos mabangga ng SUV ng pulis

ABS-CBN News

Posted at Dec 13 2019 07:25 AM | Updated as of Dec 14 2019 07:24 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

DAVAO CITY—Patay ang isang traffic enforcer matapos mabangga ng sasakyan habang rumeresponde sa isang aksidente sa siyudad na ito Huwebes ng hapon.

Dead on the spot si Rey Sison matapos mabangga ng sports utility vehicle (SUV) na minamaneho ng isang pulis.

Base sa imbestigasyon, nakatayo ang biktima sa gitna ng kalsada sa bypass road ng Barangay Maa habang kinakausap nito ang mga sangkot sa nirerespondehang aksidente.

Nabangga si Sison ng dumadaan na SUV na matulin umano ang takbo. Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang traffic enforcer sa isang van na iniimbestigahan nito.

Hindi na nagbigay ng pahayag ang pulis na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.—Ulat ni Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.