Kawani ng electric coop, tinambangan sa Isabela

ABS-CBN News

Posted at Dec 13 2018 03:51 AM | Updated as of Dec 13 2018 06:37 AM

ISABELA - Patay ang isang empleyado ng electric cooperative matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Cordon, Isabela Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Jerry Benedicto, 46 anyos, residente ng Barangay San Fabian, Echague.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagmamaneho ng SUV ang biktima pauwi sa kanilang bahay nang tambangan ng 2 lalaking naka-motorsiklo.

Naisugod pa sa ospital si Benedicto pero binawian din ng buhay habang ginagamot.

Patuloy naman ang manhunt operation ng pulisya sa mga salarin. Inaalam pa rin ang motibo sa pamamaslang. - ulat ni Harris Julio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.