ALAMIN: Christmas bonus at 13th month pay, may pagkakaiba ba?

ABS-CBN News

Posted at Dec 13 2018 12:59 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

May pagkakaiba nga ba ang Christmas bonus at 13th month pay na karaniwang natatanggap sa huling bahagi ng taon? 

Paliwanag ni Atty. Claire Castro sa "Usapang de Campanilla" nitong Martes, malaki ang pagkakaiba ng dalawa. 

Ang 13th month pay ay benepisyo para sa mga manggagawa na kinakailangang ibigay ng mga employer sa ilalim ng Presidential Decree No. 851. 

Samantalang ang Christmas bonus, nasa diskresyon na ng kompanya at hindi mandato sa batas. 

"Ang bonus is not mandatory. Pero ang 13th month pay, iyon ang mandatory... minsan kasi medyo mabigat," ani Castro. 

Giit ni Castro, obligadong magbigay ng 13th month pay ang mga employer bago pa mag-Disyembre 24. 

Kung mabigat umano para sa mga kompanya ang magbigay ng 13th month pay, payo ni Castro na unti-untiin na lamang ang paghuhulog nito sa sahod ng mga empleyado, na puwede ayon sa batas. 

Maaaring idulog sa DOLE ang mga kompanyang hindi magbibigay ng 13th month pay. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.