Higit 7,000 sako ng smuggled rice, nasabat sa Zamboanga City

RJ Rosalado, ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2018 04:48 PM | Updated as of Jul 24 2019 04:33 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

ZAMBOANGA CITY - Humigit 7,000 sako ng smuggled rice ang nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Barangay Recodo sa lungsod nitong Martes ng gabi.

Nakumpiska ang higit P11 milyong halaga ng bigas na itinago sa loob ng isang mosque at sa isang lumang bahay.

Walang naaresto ang mga awtoridad dahil nakaalis na ang cargo vessel at nagtakbuhan na rin ang mga kargador nang makarating ang mga opisyal sa target area.

Ayon kay Lt. Commander Noriel Ramos, commander ng PCG-Zamboanga, iniimbestigahan pa nila kung saan nanggaling ang smuggled rice at kung sino ang nagmamay-ari nito.

Posible umanong ni-repack na ang mga ito dahil sa bago nitong packaging.

Inaasahan namang magsasagawa ng joint inventory ang Bureau of Customs (BOC) at PCG, bago maglalabas ng warrant, seizure and detention ang BOC sa mga nakumpiskang bigas.

Plano ng BOC na i-donate ang bigas sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), kasama ang iba pang mga smuggled rice na nauna nang nakumpiska ng Coast Guard sa mga karatig probinsiya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.