Higit 180 katutubo, nasagip mula sa panlilimos sa QC

ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2018 05:03 PM | Updated as of Jul 24 2019 04:33 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nasa mahigit 180 mga katutubong Badjao at Aeta na madalas nanlilimos tuwing panahon ng Pasko ang nasagip ng Kamuning police nitong Martes ng gabi. 

Isinagawa ang operasyon alinsunod sa Mendicancy Law of 1978 o Presidential Decree No. 1563 na nagbabawal sa panlilimos. 

Kahit sino na nasa edad 15 pababa ay maaaring kuhanin at ilagay muna sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) habang ang mga pulubing nasa wastong edad na ay posible ring maharap sa asunto.

Duda ng DSWD, posibleng napagsasamantalahan ang mga katutubo. 

Tinitingnan nila sa imbestigasyon ang anggulong may nagpopondo para makabiyahe ang mga katutubo sa Maynila at saka kumukuha ng porsiyento sa kanilang mapapalimos. 

"There are a people behind them para papuntahin sila rito for possible exploiting... Sa dami ng mga 'yan di sila pupunta sa metropolis nang walang anyone behind them," paliwanag ni Social Welfare Officer II Ricardo Bata.

Pero ayon sa mga katutubo, sariling sikap ang pagpunta nila rito at hangarin lang talaga nilang mamasko.

Kung susumahin, nasa 40 na Badjao at 142 Aetas ang na-rescue ng mga pulis at DSWD. 

Dadalhin sa Jose Fabella Center ang mga na-rescue para mapangalagaan at sumailalim muna sa counseling. - ulat ni Isay Reyes, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.