Magbarkada patay sa pamamaril sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Dec 11 2019 12:36 AM

Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

DAVAO CITY—Patay ang 2 lalaki matapos silang pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin sa Barangay San Roque, Calinan District, Davao City Martes ng gabi.

Sakay sa traysikel ang magbarkadang sina Joshua Amarillo at Roland Sarahina nang mangyari ang insidente.

Ayon sa pulisya, bumaba mula sa isang puting van ang isang lalaki at hinarang ang traysikel bago pagbabarilin ang mga biktima.

Blangko ang mga pulis sa motibo ng pamamaslang.

Kuwento ng nanay ni Amarillo, walang itong kaaway kaya nagtataka sila kung sino ang nasa likod ng krimen.

Tinitingnan ngayon ng mga pulis ang kuha ng mga closed-circuit television (CCTV) camera na malapit sa lugar para matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin.—Ulat ni Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.