2 lalaki nahulihan ng droga, baril sa QC

ABS-CBN News

Posted at Dec 11 2019 03:11 AM | Updated as of Dec 11 2019 07:43 PM

MAYNILA—Arestado ang 2 lalaki sa buy-bust operation sa Central Ave., Quezon City Martes ng gabi.

Nasamsam sa mga suspek ang nasa P400,000 halaga ng hinihinalang shabu, baril, at mga bala.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon sa pulisya, parehong nasa drugs watchlist ang mga suspek na dati na ring nakulong.

Aminado ang isang nahuli na sangkot sa pagtutulak at inuubos ang mga natitirang droga.

Kulong ang 2 lalaki sa Talipapa Police Station at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.—Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.