MMDA, 'di muna magto-tow ng mga sasakyan

ABS-CBN News

Posted at Dec 11 2018 03:24 PM | Updated as of Jul 29 2019 06:12 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Puno na ng mga sasakyan ang mga impounding area ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaya hindi muna maghahatak ng mga sasakyan ang ahensiya.

Ayon kay Celine Pialago, tagapagsalita ng MMDA at bagong Task Force Special Operations head, napuno ang impounding area dahil sa mas pinaigting na anti-colorum operations ng ahensiya.

Aniya, kailangan pa nilang makahanap ng mas malaking impounding area kaya't hindi pa masabi kung kailan muling maghahatak ng mga sasakyan.

Tuloy pa rin ang clearing operations ng MMDA lalo na sa mga kalsadang inaasahang mapupuno ng mga sasakyan ngayon holiday.

Atas ni Pialago sa mga enforcer na mag-isyu ng hindi bababa sa 50 illegal parking ticket sa loob ng isang oras. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.