4 timbog sa San Jose del Monte buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Dec 10 2019 04:11 AM

BULACAN—Arestado ang 3 lalaki at 1 babae sa buy-bust operation sa San Jose del Monte, Bulacan Lunes ng gabi.

Nasamsam ang 9 na sachet ng hinihinalang shabu sa mga suspek na kabilang sa drugs watch list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ikinasa ang operasyon sa Barangay Kaypian pasado alas-8 ng gabi.

Walang trabaho ang 3 sa mga nahuli habang construction worker naman ang isa.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.—Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.