Tren ng MRT muling nasiraan, mga pasahero pinababa

ABS-CBN News

Posted at Dec 10 2017 04:00 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Muli na namang napilitang maglakad ang ilang pasahero ng MRT ngayong Linggo pasado alas-dos ng hapon matapos magkaproblema ang isa sa mga bumibiyaheng tren.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), nangamoy may nasusunog sa loob ng northbound na tren sa pagitan ng Ortigas at Santolan Station kaya pinababa ang aabot sa 686 na pasahero.

Photo courtesy of Jeff Grande

"According to the diagnostic panel, regulator failure may have caused the burning smell in our motor," sabi ng DOTr sa isang pahayag.

Tinanggal muna ang tren para makumpuni.

Nasa 26 na minutong naantala ang biyahe sa MRT pero balik normal na ang operasyon nito bandang 3:13 ng hapon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.