Mga tindahan, parlor, nasunog sa Iloilo

Jennifer Garcia, ABS-CBN News

Posted at Dec 09 2019 07:28 AM

SANTA BARBARA, Iloilo - Nasa 13 kiyosko ang natupok ng apoy sa Arroyo Street, Barangay Zone 3 sa bayan ng Santa Barbara, Iloilo Linggo ng gabi.

Kabilang sa mga nasunog ang mga kainan, parlor at mga tindahan ng damit.

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pinagmulan ng sunog. Dalawa sa mga anggulong sinusundan sa pagsiklab ng apoy ay napabayaang kalan o kaya'y faulty wiring. 

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.