Drug suspek, patay sa buy-bust sa Davao

Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Posted at Dec 09 2019 07:27 AM

Naisugod pa sa ospital ang suspek pero hindi na umabot pa ng buhay. Larawan mula sa Toril Police

DAVAO CITY - Patay ang isang drug suspek matapos mabaril ng mga operatiba sa ikinasang buy-bust operation ng Toril Police sa Barangay Lizada Toril, Linggo ng gabi.

Ayon sa hepe ng Toril Police na si Lieutenant Colonel Jed Clamor, bumunot at nagpaputok ng dalang baril ang suspek na nakilalang si Norhan Sanchez, 35-anyos, kaya napilitan rin ang mga pulis na barilin ito.

Bagong-laya lamang si Sanchez sa kulungan dahil rin sa pagkakasangkot sa iligal na droga.

Nakuhanan pa siya ng 13 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P700,000 nang dalhin sa ospital.

Sa imbestigasyon ng pulisya, posibleng galing pa sa Maguindanao ang supply ng droga ni Sanchez.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.