Dating pulis na nagbebenta umano ng droga patay; 10 'ninja cops' tinitiktikan

ABS-CBN News

Posted at Dec 09 2019 11:38 AM | Updated as of Dec 09 2019 09:38 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA — Patay matapos umanong manlaban sa Quezon City, Lunes ang isang retired na pulis na nagbebenta umano ng droga sa tulong ng nasa 10 aktibong pulis. 

Una nang nakatanggap ng ulat ang mga awtoridad na ibinibenta ni retired police Cpl. Tirso Agustin Lactaotao sa karatig na lalawigan ng Rizal ang mga drogang nakukumpiska ng mga awtoridad, ayon sa police Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG). 

Sa operasyon sa Barangay Poblacion Proper, Novaliches, nagpaputok anila ng baril si Lactaotao nang makatunog na mga pulis ang kaniyang pinagbentahan ng droga, dahilan para gumanti ang mga ito. Dinala pa ang suspek sa ospital pero dead on arrival na. 

Nagkakahalaga ng nasa P2,000 ang 7 sachet ng shabu na nakuha kay Lactaotao na nag-avail ng optional retirement nitong Nobyembre.

Minomonitor ng pulisya ang nasa 10 pulis mula Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon na hinihinalang may koneksyon sa suspek, ani police IMEG Spokesperson Maj. Robert Reyes. 

May ulat nina Jervis Manahan at Zhander Cayabyab, ABS-CBN News