TINGNAN: Pangulong Duterte, dumalo sa kasal ng anak ni Sen. 'Bato Dela Rosa

Paul Palacio, ABS-CBN News

Posted at Dec 08 2019 07:53 PM

DAVAO CITY - Dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa kasal ng anak na babae ni Sen. Ronald "Bato" dela Rosa sa Fort General Gregorio del Pilar sa Baguio City Linggo.

Ginanap ang kasal ni Marianne Kristel dela Rosa kay 1Lt. James Benneth Estoesta sa St. Ignatius Chapel sa Philippine Military Academy.

 

Sa mga retratong ipinost ni Sen. Christopher "Bong" Go sa Facebook, makikitang kasama rin ng pangulo sina Sen. Francis Tolentino at Sen. Imee Marcos na dumalo sa kasal.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.