Construction worker, masahista timbog sa Pasay buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2019 04:04 AM | Updated as of Dec 07 2019 07:40 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA—Arestado ang isang construction worker at isang masahista sa buy-bust operation sa Maricaban, Pasay City Biyernes ng gabi.

Nakuha sa kanila ang higit 35 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P240,000.

Ayon kay Police Col. Bernard Yang, hepe ng Pasay City police, napabilang sa drugs watch list ang mga suspek.

Itinanggi ng masahista na sangkot siya sa pagtutulak, pero aminadong gumagamit ng droga.

Utusan lang daw siya sa construction site sa Maricaban kung saan isinagawa ang transaksiyon. 

Inamin naman ng construction worker na sideline niya ang pagbebenta ng droga.

Sasampahan sila ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.—Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.