3 lalaki nakuhanan ng P40-milyong halaga ng 'shabu' sa Parañaque

ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2019 04:47 AM

MAYNILA—Nasamsam ng mga awtoridad ang nasa P40-milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Barangay Moonwalk, Parañaque City.

Naaresto rin ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Pasay City police ang 3 lalaki, kabilang ang isang tricycle driver at vendor.

Nakuha sa mga suspek ang umano'y shabu na may bigat na 6 na kilo. Inaalam ngayon ng PDEA kung saan nagmula ang droga.—Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.