2 'drug pusher' huli sa buy-bust sa Novaliches

ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2019 06:34 PM


MAYNILA — Arestado ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Sabado ang 2 umano'y tulak ng droga na nagdi-distribute umano ng shabu sa Novaliches. 

Ayon kay QCPD Station 4 commander Police Col. Russel Cejas, aabot sa 100 gramo ng hinihinalang shabu ang nakuha sa mga suspek na sina alyas "Nora" at alyas "Odibong."

Nagkakahalaga ang droga ng P680,000.

Dagdag pa ni Cejas, sa dami ng shabu na nakuha sa 2, posibleng sila umano ang nagbabagsak ng ilegal na droga sa Novaliches at iba pang karatig-lugar. 

Kasalukuyang nakakulong sa istasyon ng QCPD ang mga nahuli habang ihinahanda pa ang mga isasampang kaso.

—Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.