2 babaeng nagbayad ng pekeng pera, timbog sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2019 05:03 AM

MAYNILA—Timbog ang 2 babae matapos mahuling gumagamit ng pekeng pera sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay Police Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo, hepe ng Sta. Cruz Police Station, nagsumbong sa kanila ang isang negosyante na nabigyan umano ng pekeng pera ng mga suspek.

Nakuha sa 2 babae ang pekeng pera na nagkakahalaga ng mahigit P12,000.

Ayon sa pulis, masyadong makinis ang pera at pareho ang serial number ng mga nito.

Nahaharap sa reklamong estafa at illegal possession and use of false treasury or bank notes ang mga suspek.—Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.