'Snatcher' kinuyog sa Bacolod

ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2018 01:18 AM

BACOLOD CITY, Negros Occidental - Sugatan ang isang lalaki matapos kuyugin ng taumbayan sa Hilado St., Bacolod City Martes ng hapon.

Ayon sa pulisya, kinuyog ang lalaki matapos umano itong manghablot ng cellphone sa isang pasahero ng jeep.

Nagtamo ng fracture sa binti ang lalaki matapos hampasin ng baseball bat.

Sa video na kuha ni Rommel Poblacion, makikitang ginagamot ng rescuers ang lalaki bago dalhin sa ospital.

Hinihintay ng pulisya ang pasahero kung magsasampa ito ng reklamo laban sa lalaki. - ulat ni Nico Delfin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.