Manager ng construction retail shop, patay sa pamamaril sa Lucena

Jonathan Magistrado, ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2019 12:06 AM

LUCENA CITY, Quezon — Patay sa pamamaril ang isang lalaki sa Barangay Ilayang Iyam, Lucena City, dakong alas-6:20 ng gabi, Huwebes.

Kinilala ang biktima na si Roberto Aldon Jr., 34 anyos at tubong Barangay Concepcion Pequeña, Naga City, Camarines Sur.

Ayon sa Lucena City Police, manager ng construction retail shop sa lugar ang biktima.

Ayon pa sa pulis, hinintay ng hindi pa nakikilalang salarin ang pag-uwi sa staff house ng biktima mula sa trabaho.

Limang metro lang mula sa pinapasukan, binaril malapitan ng salarin ang biktima sa ulo gamit ang hindi pa tukoy na uri ng baril.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pamamaril.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.