10 menor de edad nasagip mula sa isang hazing sa Iloilo

Hernani Escullar Jr, ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2019 05:01 PM | Updated as of Dec 06 2019 06:01 PM

Kuha ng Dumangas MPS


DUMANGAS, Iloilo - Sampung menor de edad ang nasagip ng pulisya mula sa isang isinasagawang hazing sa Barangay P.D. Monfort sa bayan na ito Huwebes ng hapon.

Ayon sa Dumangas Municipal Police Station, nailigtas ang mga bata mula sa grupo na may pangalang "Ubatsi Troops" (Tanggal Tsinelas Troops).

Dalawang paddle ang nakumpiska ng mga awtoridad.

Ayon sa hepe ng Dumangas Police na si Police Maj. Joeven Arevalo, isasailalim ang mga menor de edad sa counseling.

"Considering sa estado nila, para sa amin sila ay mga children at risk," aniya.

Nasa kustodiya​ na ng municipal social welfare and development office ng Dumangas ang mga bata na kalauna'y tinurn-over sa kanilang mga magulang.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.