P8.5-M halaga ng shabu, nasabat sa Cavite; 3 tiklo

Jonathan Vega Magistrado, ABS-CBN News

Posted at Dec 05 2019 10:43 PM

IMUS, Cavite—Nasa P8.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Brgy. Buhay na Tubis sa Imus, Cavite nitong Huwebes.

Nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kontrabando sa isang bahay sa loob ng pribadong subdibisyon alas 11:30 ng umaga.

Dalawang babae at isang lalaki na nakatira sa bahay ang naaresto din.

Ayon sa PDEA, nasa mahigit 1.3 kilo ang nasamsam na iligal na droga.

Inihahanda na ng PDEA ang kaso laban sa tatlong suspek na paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.