4 bodega ng asukal ipinasara ng BIR dahil di rehistrado

ABS-CBN News

Posted at Dec 04 2019 02:19 PM


Ipinasara ngayong Miyerkoles ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang 4 na bodega ng asukal sa Meycauayan, Bulacan dahil hindi raw rehistrado ang mga ito sa ahensiya.

Ang mga ipinasarang bodega ay pagmamay-ari ng Edison Lee Marketing Incorporated, na matatagpuan sa Polyland Industrial Subdivision, ayon kay BIR assistant regional director Manuel Mapoy.

Bukod sa hindi nakarehistro sa ahensiya, hindi rin sumusunod ang mga bodega sa registration requirements ng Tax Code, ayon kay Mapoy.

Mananatiling nakasara ang mga bodega habang hindi nababayaran ang deficiency taxes at penalty sa BIR.

-- Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.