3 estudyante, timbog sa buy-bust sa Taguig

ABS-CBN News

Posted at Dec 04 2019 11:11 PM

MAYNILA - Arestado ang tatlong estudyante sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Central Signal sa Taguig City nitong Miyerkoles.

Dalawa sa mga ito ay 19 anyos lamang, habang 20 anyos ang isa pa.

Ayon sa pulisya, sangkot umano sa pagbebenta ng marijuana ang mga estudyante.

Nasabat mula sa mga suspek ang nasa 100 gramo ng hinihinalang marijuana na may halagang P12,000. Isang kotse din ang nasamsam mula sa mga estudyante.

Itinurnover na sa pulisya ang mga nakumpiskang kontrabando upang isailalim sa chemical analysis.

- Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.