Umano'y rapist tiklo sa Malate

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Dec 02 2017 11:38 AM | Updated as of Dec 02 2017 04:33 PM

MANILA - Arestado ang isang 23-anyos na lalaki matapos umano gahasain ang isang babae sa Malate, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Rosendo Bojocan, alyas Bogus, na nahuli sa bisa ng isang arrest warrant.

Kuwento ng 27-anyos na biktima, bigla na lang pumasok ang suspek sa kanilang bahay at tinabihan siya sa pagtulog.

Inakala ng biktima na asawa niya ito, kaya laking gulat niya ng makitang ibang lalaki pala ang katabi.

Ilang beses umano siya ginahasa noong gabing iyon.

Ayon kay Chief Insp. Paulito Sabulao ng Arellano Police, notorious rapist si Bojocan.

Nagtago pa umano ito ng ilang buwan pero nahuli din ng mga pulis sa Singalong sa Maynila.

Umamin naman si Bojocan na ginahasa niya talaga ang babae. Lasing daw siya noong mangyari ang insidente. 

Isang beses lang umano niya ginawa ito.

Mahaharap siya ngayon sa kasong rape.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.